Pagbabalak ng Halamanan

Ang Paghahalaman ay may iba’t ibang uri. May mga namumulaklak, may namumunga at may mga gulay. Ang pangangailangan sa gulay ay matutugunan sa pagkakaroon ng gulayan sa likod bahay.

Mga Salik na dapat bigyan ng pansin sa pagtatag ng gulayan.

1. Matabang Lupa – Ang matagumpay na paghahalaman ay nakasalalay sa uri ng lupang pagtatamnan. Ang ilang magsasaka ay sumasangguni sa Kagawaran ng Agrikultura upang masuri ang kanilang lupa upang sa ganon malaman nila ang angkop na lupang tatamnan.

 3 Uri ng Lupa

1. Luwad

2. Buhangin

3. Loam  – pinakaangkop na pagtamnan dahil sa ito ay buhaghag, magaan at                   madaling bungkalin.

2. Sikat ng Araw – Mahalagaang sikat g araw upang makapag-ani ng malusog at mataas na uri ng gulay. Ang init ng araw ay nakatutulong sa mga dahon ng gulay na makagawa ng sariling pagkain na nakukuha sa luntuiang kulay ng dahon na tinatawag na chlorophyll.

3. Pinanggagalingan ng Tubig at daluyan ng tubig – Ang isang halamanan ay kailangang itatag sa isang lugar na may pinanggagalingan ng tubg ng balon, ilog o sapa. upang magkaroon ng sapat ng pandilig. Ang kalamanang salat sa tubig ay hindi magtatagumpay lalong lalo na sa panahon ng tag-init.

4. Sariwang Hangin – Hindi mabubuhay ang mga halaman sa lugar na walang hangin. Ang halamanan ay dapa may espasyo para sa malayang hangin. Ang malakas o sobrang hangin ay hindi mainam sa mga murang halamanan kaya’t ang lugar na pagtatayuan ng halamanan ay dapat napaliligiran ng mga puno, bahay o gulod.

5. Panahon ng Pagtatanim – Ang pagtatanim ng mga buto ng gulay ay walang sinusunod na pahon. Ang mahalaga ay maitanim ang mga buto sa mga panahon na hindi lubhang mainit o maulan upang hindi maging sagabal s maayos na pagsibol ng binhi. Ang ibang magsasaka ay samasangguni sa kalendaryo ng pagtatanim. Ito ay talaan ng kaalaman tungkol sa panahong umiiral sa iba’t ibang lugar ng kapupluan at kung anong halamang  gulay ang naaangkop itanim.

Pag-aralan ang Kalendaryo sa pagtatanim 

 Enero – Ampalaya, kamote, sayote, talong, letsugas, kabute, okra, patola,

petsay, sili, talinum, kamatis, upo, mustasa, cauliflower, sibuyas,repolyo, munggo

Pebrero  – ampalaya, kamote, sayote, talong, letsugas, kabute, petsay,                                      sigarilyas, kalabasa, talinum, munggo

Marso –   amplaya, kamote, talong, letsugas, kabute, petsay, talinum, kamatis

Abril  – ampalaya, kamote, talong, letsugas, kabute, okra, patani, petsay,                            sigarilyas, kalabasa, talinum at munggo

Mayo  – ampalaya, bataw, kamote, sayote, talong. letsugas, kabute, okra,                             patani, patola, petsay, sili, sigarilyas, sitaw, kalabasa, talinum

Hunyo  – ampalaya, bataw, sayote, talong, letsugas, kabute, patani, patola,                        petsay, sili, sitaw, kalabasa, talinum, munggo, sugarilyas

Hulyo  – ampalaya, kmaote, talong, kabute, talinum

Agosto  – ampalaya, kamote, talong, kabute, talinum

Setyembre   – ampalaya, kamote, sayote, talong, letsugas, kabute, patola,                              petsay, sili, sigarilyas, sitaw, talinum, kamatis, upo, munggo

Oktubre  – ampalaya,  bataw, kamote, sayote, talong, lesugas, kabute, okra,                             patola, petsay , sili, sigararilyas, sitaw, talinum, kamatis, upo,                                   munggo

Nobyembre – ampalaya, bataw, kamote, sayote, talong, letsugas, kabute, okra,                      patola, petsay, sili, sigarilyas, sitaw, talinum, kamatis, upo, munggo

Disyembre  – ampalaya, kamote, sayote, talong, letsugas, kabute, okra, patola,                       petsay, sili, sigarilyas, sitaw, kalabasa, talinum, kamatis, upo, munggo

Sanggunian: Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V

Leave a comment